Friday, May 6, 2011

Phil Younghusband admits dating "exclusively" Angel Locsin

Inamin ng sikat na football player na si Phil Younghusband na "exclusively dating" na sila ni Angel Locsin.

Ginawa ng Azkals heartthrob ang pag-amin sa panayam sa kanya ni Boy Abunda para sa showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz News Ngayon. Si Angel ay talent ng ABS-CBN.
Sa naturang panayam ay idinetalye rin ni Phil kung paano nagsimula ang lumalalim na nilang relasyon ni Angel.

Kuwento niya, “The first meeting of me and Angel, I met the family. I came on my own and it was nice.

"I got to meet her dad, her brothers and sisters, and her friends and family.

"It was good. They made it easy for me.” he said.

Inamin ni Phil na kinabahan siya sa una nilang pagkikita ng aktres.

"Yes, yes. I didn't know what to do. Hindi ko alam ano'ng gagawin," sabi niya.

Matatandaang idinaan ni Phil sa social networking site na Twitter ang pagpapahayag niya ng damdamin para kay Angel.

No comments: